Malacañang, inakalang fake news ang nag-viral na litrato ng grupo ni VP Robredo sa Holocaust Memorial

Ikinagulat ng Malacañang ang naglabasang litrato ni Vice President Leni Robredo, at ilang mambabatas sa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi niya inakalang totoo ang mga litratong ito.

Noong siya umano ang nagawi sa naturang memorial center ay naluha siya dahil ito ang nagsisilbing alaala ng milyong Hudyo na pinatay ng mga Nazi noong World War 2.

Hindi aniya inaasahan ni Roque ang aksyon na ito ng bise presidente, dahil tila hindi nito naiintindihan ang kahalagahang ng nasabing istraktura na ginawang background ng kanilang grupo habang nakangiti pa sa mga litrato.

May sinusunod aniyang code of conduct ang mga opisyal ng gobyerno para maiwasang mapulaan ng publiko.

Matatandaang una nang inako at humingi ng paumanhin si Vice President Robredo sa lumabas na mga litrato. | via Nimfa Mae Asuncion

Photo courtesy: Ifugao Rep. Teddy Baguilat/ Twitter