Malacañang, iginiit na pinal na ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Iginiit ng Malacañang na hindi na magbabago pa ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na mag-withdraw sa Rome Statute na siyang basehan ng pagkakabuo ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, huli na ang pakiusap ng ICC, at naipadala na rin sa United Nations Secretary General ang notice of withdrawal ng ating bansa.
Base sa statement ng ICC, hinihikayat nito ang Pilipinas na huwag nang kumalas sa Rome Statue, dahil isa ito sa mga importanteng state party sa tratado.
Una nang sinabi ng Tagapagsalita ng Palasyo, na ang dahilan ng pagkalas ng ating bansa sa ICC ay ang paglabag ng mga Special Rapporteurs o Special Prosecutor sa principle of complementarity na nasa probisyon ng tratado. | via Nimfa Asuncion