Malacañang, iginiit na dapat walang ‘sacred cows’ sa pambubugbog sa police officer sa Iloilo

Malacañang, humirit na dapat walang ‘sacred cows’ sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng mag-amang sina Iloilo Representative Richard Garin, at Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin, na kapwa idinadawit sa pananakit, pagpapahiya at panunura kay SPO3 Federico Macaya.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, kailangang maimbestigahan ng husto ang pangyayari at kung may nagkasala sa insidente ay dapat lang aniyang maparusahan.

Binigyang diin pa ni Andanar, na kung sakaling nakaladkad sa kaparehong pangyayari ay kasama sa partido ng Pangulo Duterte, hindi aniya ito dapat santuhin at sa halip dapat na papanagutin kung nakagawa ng hindi tama.

“No one is above the law” ani Andanar, kasabay ng pahayag na dapat ngang mas maging responsable ang mga nasa kapangyarihan at hindi dapat gamitin sa pang-aabuso ang ipinagkatiwalang posisyon dito ng taong bayan. | ulat ni Alvin Baltazar