Malacañang, hinimok ang 2018 Bar passers na magtrabaho sa gobyerno

Sa briefing sa Malacañang kanina, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na welcome ang mga bagong abogado na maglingkod at ibahagi ang kanilang kaalaman sa bayan.
 
Makakatulong aniya sila sa pagsusulong ng reporma sa administrasyong Duterte.
 
Kasabay ng paglabas ng resulta na Bar exams, sinabi ni Roque na magkakaroon na siya ng deputy spokesperson.
 
Ito’y matapos mapasama sa listahan ng mga nakapasa ang dati niyang estudyante sa University of the Philippines College of Law na una nang nabanggit ni Roque na magiging deputy spokesperson ng Pangulo. | via Nimfa Mae Asuncion