Malacañang, hindi apektado ng survey na nagpapakita ng mga personalidad na gustong maging Senador ng mga Pilipino

Hindi apektado ang Malacañang ng lumabas na resulta ng isang survey na hindi nakapasok sa Magic 12 na nais ng mga Pilipinong maging Senador ang ilang personalidad sa administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, masyado pang maaga para bigyang pansin ang isyu sa survey kaya’t mas mabuting huwag na lang itong masyadong bigyan  ng pansin.

Ang dapat ani Roque ay atupagin na lang ang kani-kanilang mga trabaho lalo’t malayo pa ang eleksiyon.

Magsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy sa darating na buwan ng Oktubre para sa mga nagnanais na tumakbo for public office.

Sa inilabas na resulta ng survey, nasa ika-apat na pwesto na gustong maging senador ng mga Pilipino si Davao City Mayor Sara Inday Duterte- Carpio, ika-pitong pwesto si Bureau of Corrections Chief (BOC) Ronald Dela Rosa, pangdalawampu’t limang pwesto si political adviser Francis Tolentino, pangdalawampu’t walong pwesto si Special Assistant to the President Bong Go at pangtatlumpung pwesto si Presidential Spokesperson Roque. | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: Philippine News Agency