Malacañang, bumuwelta sa ‘reign of terror remarks’ ni Sister Patricia Fox kontra sa Pangulo

“Reign of fear” sa hanay ng mga lumalabag sa batas at hindi “reign of terror” ang dapat na naisip ni Australian Missionary Patricia Fox tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tugon ito ng Palasyo sa banat ni Fox na maaari nang ilarawan bilang “reign of terror” ang bayolenteng “crackdown” ng administrasyon sa mga drug traders.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung may naghahari man sa ginagawang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, ito ang takot sa hanay ng mga patuloy na lumalabag sa nabanggit na krusada ng gobyerno.

Bukod dito’y umiiral din ang “reign of strict enforcement in the implementation of law” at hindi walang kuwestiyong alam ito ng mga mahilig lumabag sa batas.

Hindi aniya lusot dito si Sister Fox na walang dudang lumabag sa immigration laws ng bansa kaya ito naipa-deport pabalik ng Australia, bunsod ng pakikilahok nito sa mga welga na may kinalaman sa politika na hindi niya dapat ginawa gayung siya’y isang dayuhan.  | ulat ni Alvin Baltazar