MalacaƱang, binigyang diin ang posisyon ni PRRD sa pagprotekta at pagdepensa sa nat’l interest ng bansa

Tanging sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Presidential Spokesperson Harry Roque na lang, ang maaaring magsalita kaugnay sa mga usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ayon kay Secretary Roque, ay alinsunod na rin sa mandato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga miyembro ng gabinete, na iwasan na ang pagtalakay sa WPS sa publiko.

Binigyang diin rin ng kalihim, ang posisyon ni Pangulong Duterte sa WPS, na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay inatasan na gawin ang kailangan at dapat, upang protektahan at ipagtanggol ang national na interest.

Ang mga vessel aniya ng Pilipinas ay patuloy na magpapatrolya sa mga relevant area, upang bigyang diin kung ano ang sa atin.

Habang ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ay iikot sa mga lugar kung saan sila dapat nandoon.

Mayroon aniyang prinsipyo ang bansa, at maninindigan ang mga Pilipino para sa Pilipinas.