MalacaƱan: Resurgence ng COVID cases sa ibang bansa, posibleng dahil sa pagpapakampante at di sa brand ng bakuna

Hindi muna dapat na tanggapin ang konklusyon na nagkakaroon ng resurgence ng COVID cases, sa mga bansa kung saan majority ng COVID-19 vaccine na kanilang ginagamit ay gawa sa China.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay dahil maging sa ibang panig ng mundo na hindi naman Chinese vaccine ang kanilang mayorya na ginagamit, ay nakapagtala rin ng resurgence o muling pagdami ng COVID-19 cases.

Inihalimbawa ng kalihim ang Inglatera, kung saan mas marami ang AstraZeneca vaccines ang kanilang ginamit, lalo at sa kanilang lugar ito mismo gawa.

Ayon kay Secretary Roque, posible na wala namang kinalaman ang brand ng bakuna sa naitatalang resurgence ng COVID cases, bagkus ay nagkaroon lang ng false sense of security ang mga mamamayan ng mga bansang ito, dahilan kung bakit umaakyat ang bilang ng mga bagong kaso.

Ang pinaka leksyon dito ayon sa kalihim, habang wala pang population protection, huwag pa ring magpabaya, at sumunod pa rin sa mga health protocols.