Makasaysayang teatro sa Manila, bubuksan na

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, na masisilayan na muli ng mga batang Maynila ang bago at isinaayos na Metropolitan Theater, ngayong buwan.

Ito ay kasabay ng unveiling ng historical marker sa pag-alala ng ika-450 Anibersaryo ng Kagitingan sa Bangkusay, na ginanap sa Plaza Moriones sa Tondo ngayong araw.

Photo from Manila PIO FB page

Ani Moreno, 20 araw mula ngayon ay masisilayan na aniya ang makasaysayang teatro sa Manila.

Bilang bahagi naman ng paggunita sa anibersayo ng Kagitingan sa Bangkusay, nanawagan si Moreno sa mga Manilenyo na huwag nilang kalimutan ang ginawang sakripisyo ng mga bayani at kanilang ninuno, na nagtaya ng sariling buhay makamit lang ang ipinaglalaban nilang soberanya at masugpo ang nais manakop sa sariling lupa.