Makaraan ang bus accident sa Mindoro, iginiit ngayon ni Senator Poe ang paglikha ng isang National Transportation Safety Board o NTSB

Makaraan ang aksidente ng isang bus sa Occidental Mindoro na nagresulta sa pagkamatay ng 19 na katao, iginiit ngayon ni Senator Poe ang paglikha ng isang National Transportation Safety Board (NTSB).

Ang panawagan ni Poe ay nakapaloob sa isang panukalang batas na kanyang inihain sa Senado na nagpapanukala sa paglikha ng nasabing National Transportation Safety Board (NTSB), na ang tanging responsibilidad ay tingnan ang lahat ng mga transportation-related accident at alamin ang mga sanhi ng mga aksidenteng ito.

Sinabi ng Senator, na Chairperson ng Senate Committee on Public Services, sakop ng panukalang NTSB ang land, sea, air, kabilang ang mga  railway at pipeline systems.

Punto ni Poe, ang listahan ng mga namamatay at nasasaktan sa mga aksidente sa mga sasakyan ay patuloy na dumarami, sapagkat maging ang mga hindi na roadworthy na mga sasakyan ay pinapayagan pa ring bumiyahe sa mga lansangan.

Aniya, upang maiwasan ang madugo at malalagim na aksidente sa mga kalsada,  kailangan siguruhin na ang mga pampublikong sasakyan ay ligtas na bumiyahe sa mga lansangan, kailangan din ang mahigpit na sistema ng paglilisensya sa mga drayber, at ang paggamit ng mga device tulad ng GPS at speed delimeters sa mga sasakyan.

Diin ni Poe, na maisasakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng NTSB. | via Jojo Ismael