Makamanggagawa na EO na lalagdaan ni Pangulong Duterte, hindi pa pinaniniwalaan ng labor groups

Hindi pa ganap na naniniwala ang Nagkaisa labor coalition sa ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na asahan ang maka-manggagawang Executive Order (EO) na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Labor day.

Ayon kay Partido Mangggagawa Chairman Rene Magtubo, nakalimang draft na ang mga labor groups pero paulit-ulit na kinokontra ng mga employer at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pinakahuling labor-drafted EO, sinasang-ayunan ng mga labor group ang polisiya ng direct hiring, gayunman may exemption sa mga trabaho na pwedeng kontratahin alinsunod sa pag-apruba ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Muling hinamon ng grupo si Pangulong Duterte na magpakita na ng political will na pirmahan ang EO na inihain ng Labor Coalition. | via Rey Ferrer

Photo courtesy: http://www.kilusan.org/p/new.html