Major infra projects, nais matapos ng Pangulo bago bumaba sa pwesto

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong matapos ang major infrastructure projects sa ilalim ng “Build Build Build” program bago siya bumaba sa pwesto.

Ito ang naging pahayag ng Pangulo sa harap ngĀ  construction sector na nag-courtesy call sa kanya sa China.

Ayon sa Pangulo, kung ano raw ang mga plano ng mga ito, ay makabubuting gawin na ito sa kasalukuyan at pabilisin upang agad na makumpleto.

Kaugnay naman nito, nagpahayag ng commitment ang construction delegates mula sa bansa, kasabay ng kanilang suhestyon na bumalangkas ng batas na titiyak sa pagpapatuloy ng implementasyon ng major government infrastructure projects ng pamahalaan.