Mahigit sa 6,000 kilos na hot meat, nasabat sa QC

Nasabat sa Quezon City ang mahigit anim na libong kilong ipinagbabawal na karne o hot meat.

Nakumpiska ng Veterinary Department ng lungsod ang nasa 6,000 kilos na karneng baboy na botcha, na ibinabiyahe ng delivery truck na mula sa Antipolo, Rizal.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Ana Cabel, frozen na chopped meat ang nahuli sa checkpoint, at hindi matukoy kung saan kinatay o kung may sakit ang baboy.

Wala ring naipakitang meat inspection certificate ang mga sakay ng delivery truck.

Ibinaon na sa Payatas landfill ang mga nakumpiskang karne.