Mahigit sa 3,900 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw

Base sa pinakahuling datos ng Department of Health ay naitala ngayong araw ang 3,972 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Bahagya itong mas mababa kumpara sa naitala kahapon na 4,973.

Bunsod nito ay umakyat na sa 1,188,672 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Mula sa naturang datos ay 48,201 ang mga aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling.

Samantala, nasa 36 naman ang nadagdag sa mga bilang ng namatay, kumpara sa 39 na naitala kahapon.

Sa kasalukuyan, ay umakyat na sa 20,019 ang mga nasawi dahil sa sakit na COVID-19.

Umabot naman sa 4,659 ang bilang ng mga bagong gumaling, na mas mababa sa naitalang 6,666 na gumaling kahapon, at sa ngayon ay pumalo na sa 1,120,452 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa pandemya.

Base sa datos ng DOH, nasa 13,1% ang positivity rate ngayong araw ng Martes.