Mahigit P1M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang Nigerian

Mahigit sa P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Nigerian na naaresto ng Cavite Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Imus, Cavite.

Kinilala ni Police Colonel William Segun, Provincial Director ng Laguna, ang suspek na si Leonard Ohaeri.

Naaresto si Ohaeri sa pinagtataguan niya sa Brgy. Bayan Luma 4, Imus City, matapos pagbentahan ng isang malaking pakete ng hinihinalang shabu ang pulis na posseur-buyer sa halagang P200,000.

Nang timbangin ang pakete ng shabu, lumalabas na may bigat itong 200 gramo na nagkakahalaga ng P1.3 million.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.