Mahigit na 20,000 evacuees sa Albay, umuwi na

Mahigit sa 20,000 evacuees sa Albay umuwi na sa kani-kanilang bahay bunsod pa rin ng partial decampment na ipinapatupad ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council. Karamihan sa mga ito, nakatira sa labas ng 8 kilometer radius danger zone ng bulkan.

Ang nabanggit na bilang ay bahagi ng total na inilikas sa Albay na mahigit sa 85,000 katao o mahigit 21,000 pamilya sa kasagsagan ng pag-aalburuto ni Mayon.

Batay sa pinakahuling tala ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, ang natitirang evacuees sa lalawigan ay mahigit 66,000 katao na lamang mula sa 45 barangay mula sa dating 61. Inuokupa ng mga ito ang 57 evacuation centers. mula sa dating 77 sa anim na bayan at tatlong lungsod.

Ang Lungsod ng Legazpi ang may pinakamarami, sunod ang Sto. Domingo, Guinobatan, Tabaco, Daraga, Malilipot, Ligao at Bacacay.

Samantala, nakataas pa rin sa Bulkang Mayon ang Alert level 4, patuloy pa ang paminsan-minsan na lava fountaining bagama’t hindi na ito gaano kumpara noong mga nakaraang araw. Patuloy pa ang lava flow at dagundong na naririnig sa loob ng 10 kilometro mula sa bulkan. | via Nancy Mediavillo