Mahigit limang libo arestado sa simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa Region 3 sa loob ng dalawang linggo

5, 194 indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office 3 sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) mula September 18 hanggang Oktober 5.

Ito ang iniulat ni dating PRO-3 Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia kay Philippine National Police Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa kanyang pagbisita sa PRO3 headquarters sa Camp Olivas, San Fernando Pampanga kahapon.

Ayon kay Sermonia, 63 sa mga naaresto ang kabilang sa Most Wanted Persons, 695 ang may standing arrest warrants, 23 ang naaresto sa pagpapatupad ng search warrants, 827 ang naaresto dahil sa illegal na droga, at 3586 ang naaresto sa paglabag sa mga espesyal na batas at lokal na ordinansa.

Iprinisinta rin ni Sermonia kay Cascolan ang 88 assorted firearms na nakumpiska ng mga pulis sa kanilang mga operasyon.

Kahapon ang huling araw ni BGen. Sermonia bilang PRO 3 Director matapos siyang ma-promote na Acting Director ng Directorate for Police Community Relations.

Siya ay pinalitan ni PBGen. Valeriano Deleon, sa isinagawang Change of Command ceremony kahapon na pinangunahan ni General Cascolan.