Nasa bansa na ang karagdagang 535,300 doses ng COVID-19 vaccine na Moderna na donasyon ng gobyerno ng Germany.
Ito ang ikalawang batch ng naihatid na bakuna mula sa kabuuang 1,597,400 doses.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Consultant Dr. Ma. Paz Corrales, napapanahon ang pagdating ng suplay lalo’t sisimulan na ang phase 2 ng National Vaccination Days sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Ihahatid aniya ang mga bakuna sa typhoon-hit areas sa tulong ng Armed Forces of the Philippines.
Umapela naman si Corrales ng kooperasyon sa publiko at pakikiisa sa libreng vaccination program upang tuluyang masugpo ang pandemya.