Mahigit 9,000 residente ng Tagaytay, nabakunahan na vs. COVID-19

Pumalo na sa 19 percent ng populasyon na 18 taong gulang pataas sa Lungsod ng Tagaytay, ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa datos ng city government, 13,285 doses ng bakuna ang na-administer.

Nasa 9,368 indibidwal ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna, habang 3,917 ang maituturing ng fully vaccinated.

Sa kabuuan, mahigit 9,000 residente ng Tagaytay ang nakapagpabakuna na.

Sinisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga kabilang sa A4 category, gaya ng nagtatrabaho sa pamahalaang panlungsod at mga guro mula sa Department of Education.

Gayunman, nagpapatuloy ang vaccination sa mga senior citizen, persons with comorbidity at indigents.

Sa tala ng City Health Office, 92 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa Tagaytay.