Mahigit 700,000 na health care workers, naserbisyuhan ng DOTr

Umabot na sa mahigit 700,000 na mga health care workers ang naserbisyuhan ng Department of Transportation para sa libreng sakay.

Sa website ng DOTr, nakapagtala ito ng 714,366 na tao na nabigyan ng free ride mula ng pinairal ang enahnced community quarantine dahil sa corona virus 2019 pandemic.

Sa nasabing bilang, 144,525 dito ang naserbisyuhan sa National Capital Region o NCR habang 569,841 sa mga rehiyon na labas ng Metro Manila.

Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang free ride na ginagawa ng DOTr para matiyak na may masasakyan ang mga health workers.

Magtatagal ang libreng sakay na ito ng ahensya hanggat hindi pinapayagang bumyahe ang mga public transportation dahil sa ECQ.