Mahigit 5,000 residente kada araw, target na bakunahan ng Parañaque LGU sa June

Kinumpirma ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na target nilang makapagbakuna ng 5,400 residente kada araw sa buwan ng June.

Ayon kay Olivarez, kapag sapat na ang suplay ng COVID-19 vaccine ay plano nilang bakunahan ang 150,000 indibidwal kada buwan.

Aabot aniya sa 900,000, ang bilang ng makakatanggap ng bakuna sa lungsod pagdating ng November.

Kasama na rito ang second dose kaya makakamit ang herd immunity.

Dagdag pa ni Olivarez, batay sa kanilang naunang simulation, ay maaaring umabot sa 7,000 residente kada araw ang mababakunahan bastat may available supply.

Sa ngayon, ay 98 percent ng healthcare workers sa Parañaque o katumbas ng 8,000 mula sa public at private sector, ang nabakunahan na kontra COVID-19.