Mahigit 400 pulis, idedeploy sa paligid ng UST bukas habang ginaganap ang bar exams – NCRPO Dir. Eleazar

Kabuuang 434 pulis ang ipapakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) simula bukas sa bisinidad ng University of Sto. Tomas (UST), sa loob ng apat na weekends para sa taunang bar exams na gagawin dito.

May 9,000 examinees ang inaasahang kukuha ng pagsusulit.

Ayon kay NCRPO P/Director Guillermo Eleazar, ang deployment ng mga kapulisan sa lugar ay magsisilbing bantay, at upang tiyaking walang mangyayaring untoward incidents habang ginaganap ang bar examimations.

Pinaalalahanan din ng NCRPO chief ang lahat ng examinees, mga kaanak at kaibigan, at lahat ng residente sa vicinity ng eskwelahan na mahigpit nang ipagbabawal simula mamayang gabi ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng mga alcoholic drink hanggang sa buong araw ng Linggo.

Bukod sa mga pulis, may mga tauhan din ng MMDA ang ikakalat sa lugar para mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko

Ang bar exams ay itinakda bukas, Nobyembre 4, 11, 18, at 25. | ulat ni Rey Ferrer