Mahigit 400 bahay at establisyimento sa Davao City, naka lockdown

Umabot na sa mahigit 400 kabahayan at mga establisyimento sa Lungsod ng Davao ang isinailalim sa lockdown, matapos maitala ang ilang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

Base sa tala ng lokal na pamahalaan, 453 ang nasa household lockdown, habang 18 ang building, anim ang compound at isang paaralaan.

Siniguro naman ni Davao City Mayor Sara Duterte, na patuloy ang pagbibigay tulong ng pamahalaan sa mga isinailalim sa house lockdown mula sa tatlong opisina ng local government.

Napag-alaman, na ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay namimigay ng food at non-food na tulong, habang non-perishable food supply naman ang mula sa City Agriculturist Office at City Veterinarians Office.