Mahigit 30,000 Makati residents, nabakunahan na vs. COVID

Umakyat na sa mahigit 34,000 ang mga residenteng nabakunahan sa Makati City kontra COVID-19.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nasa 2,000 na ang nakatanggap ng second dose ng bakuna.

Maganda rin ang turnout ng registration para sa mga residenteng payag magpabakuna, dahil base sa portal ay 112,000 na ang rehistrado.

Umaasa naman si Binay, na sa July ay darating na ang kanilang order na isang milyong doses ng AstraZeneca, upang mabakunahan ang kalahating milyong constituents.

Sa pinakahuling tala ng Makati Health Department, 1,339 ang binabantayang active cases ng COVID-19 sa lungsod, habang 16,989 na ang gumaling at 584 ang namatay.