Mahigit 254,000 learning kits, binili ng QC-LGU na ipapamahagi sa mga mag-aaral ng lungsod

Lalo pang pinag-ibayo ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang pagtulong nito sa mga kapus-palad na mga estudyante, matapos magsimula ang blended learning kahapon.

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, bumili ang lokal na pamahalaan ng 254, 707 learning kits para ipamahagi sa kinder hanggang elementary pupils.

Mga tablet, sim card, laptop, computers, at mga module ang binili ng lokal na pamahalaan bilang ayuda sa mga estudyante.

Bukod sa mga ito, mayroon ding mga papel, notebooks, lapis, ballpen, krayola, gunting at iba pa, ang ipapamahagi sa mga mag-aaral.

Tiniyak din ng alkalde ang suporta sa mga guro sa lungsod, bilang pagtupad sa pangako na mabigyan ng disenteng edukasyon ang mga taga-Quezon City.