Mahigit 200 pulis, arestado ng PNP

May 250 Philippine National Police (PNP) personnel ang naaresto ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na dating Counter Intelligence Task Force, dahil sa iba’t ibang ilegal na gawin mula February 2017 hanggang September 11, 2019.

Ang 124 sa mga naaresto ay nasampahan na ng kaso, habang ang nalalabing 126 naman ay may kasong na-refer sa Department of Justice (DOJ).

Sa mga enlisted personnel na nasampahan na ng kaso, 38 ang may ranggong patrolman, 28 ang police corporal, 23 ang police staff sgt., 8 ang police master sgt., 6 ang police senior master sgt., 6 ang police chief master sgt., 4 ang police executive master sgt.; habang 1 ang non-uniformed personnel.

Sa hanay naman ng mga opisyal na nakasuhan, 4 ang police captain, 3 ang police major, at 3 ang police lt. colonel.

Sa mga nakasuhang pulis, 65 ang nasibak sa serbisyo habang ang iba naman ay nagpapatuloy ang kaso.

Tiniyak ni PNP Spokesperson Pbgen Bernard Banac, na hindi apektado ng kontrobersya tungkol sa ninja cops ang internal cleansing campaign ng PNP, at patuloy ang PNP-IMEG sa pagtugis ng mga tiwaling pulis.