Mahigit 170 brgy. sa Pasay City, COVID-19 free na

Umabot na sa 175 barangay sa Lungsod ng Pasay ang idineklarang COVID-19 free.

Ayon sa City Health Office, 26 na barangay na lang ang may active cases ng COVID-19.

Pinakamarami ang bilang ng kaso sa Barangay 165 na may lima, habang tig-apat naman sa Barangay 183 at 192.

Sa kabuuan, 42 ang binabantayang active cases sa Pasay na katumbas lamang ng 0.29 percent, habang ang recovery rate ay 97.03 percent.

Idinagdag ng Pasay Public Information Office, na bumalik na sa “low risk” category ang lungsod ngayong araw.

Mababatid na noong nakaraang linggo, ay nakasama ang Pasay City sa “high-risk areas” para sa COVID-19, matapos magtala ng 19 percent na positive case growth rate mula May 30 hanggang June 12.