Mahigit 11,000 armas, narekober sa kampanya ng PNP laban sa loose firearms noong 2018

Umaabot sa 11,356 armas ang narekober sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra sa loose firearms noong 2018.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular Monday press conference.

Sa bilang na ito, higit tig-iisang libong loose firearms ang nakuha sa mga rehiyon ng CALABARZON, ARMM, Central Visayas at SOCSARGEN.

Mahigit 200 armas naman ang narekober sa Metro Manila.

Kasama sa mga naturang armas ang mga narekober sa iba’t ibang Police Operations laban sa mga kriminal at private armed groups, at sa mga Police checkpoints.

Nagpahayag naman ng paniniwala si Albayalde na malaki rin ang naitutulong ng pagpapairal ng martial law sa Mindanao sa kampanya kontra sa loose firearms.  | ulat ni Leo Sarne