Mahigit 1,000 pulis na nasa listahan ng CITF, ‘considered armed and dangerous’ – PNP chief

Considered armed and dangerous ang 1,176 na pulis na nasa watchlist ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde matapos iulat na napatay sa kauna-unahang pagkakaton ang pulis na subject ng operasyon ng CITF.

Ipinagtanggol ni Albayalde ang aksyon ng CITF laban sa napatay na pulis na si Senior Inspector Raymond Hortezuela na umano’y protektor ng druglord na si Jaguar.

Ayon kay Albayalde, sadyang mapanganib ang mga pulis na tinutugis ng CITF dahil armado ang mga ito.

Giit naman ni CITF Commander Senior Supt. Romeo Caramat, ‘by the book’ ang kanilang ginawang operasyon at may tungkulin ang kanyang mga tauhan na protektahan ang kanilang sarili kapag nanlaban ang tinutugis nilang suspek. | ulat ni Leo Sarne