Mahigit 100 empleyado ng PSE, nabakunahan sa pamamagitan ng vaccine bus

Nasa 130 na empleyado ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang nabakunahan nitong Biyernes matapos i-deploy ng Taguig local government unit (LGU) ang kanilang vaccine bus.

Ayon kay PSE President and CEO Ramon Monzon, malaki ang kanilang pasasalamat na mas pinadali ang pagpapabakuna ng kanilang mga empleyado dahil inilapit na sa kanila ang vaccine site.

Dagdag pa ni Monzon, ang confidence ng tao ang isa sa pinakamalaking driver ng stock market, kaya’t sa patuloy na pagpapabakuna ay malapit na ring makabalik sa normal ang buhay at mga negosyo.

Bago naman sumalang ang PSE employees, ay unang binakunahan si NEDA Sec. Karl Chua bilang symbolic inoculation sa A4 o economic frontliner category.

Ito ang unang dose ng Sinovac ng kalihim.