Mahigit 1.7M doses ng bakuna, naiturok na sa mga taga QC

Umabot na sa 1,729,993 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program, sa tulong ng mga healthcare worker, staff, at volunteers.

Ito ang masayang ibinalita ng Quezon City Health Department matapos maabot ang 1.7 million na nabakunahan.

Sa kabuuan, 1,099,998 o 64.71 percent ng 1.7 million na target population ang nabakunahan na ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. 

Malaking bagay daw  ito lalo na ngayong may Delta variant.

Umakyat naman sa 629,935 o 39.21 percent ang nakatanggap na ng second dose.

Hinihikayat ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. 

Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system, kung saan bawal ang walk in registration.