Mahatao, Batanes Mayor Poncio, nagpabakuna na vs COVID-19

Nagpabakuna na si Mahatao Municipal Mayor Pedro Poncio sa Batanes para sa unang dose ng bakuna kontra COVID-19 gamit ang SinoVac kahapon. Kabilang si Mayor Poncio sa mga nasa priority group A1.5 o ang mga workers in the frontline health service.

Umaasa naman ang Rural Health Unit ng Mahatao na sa pamamagitan ng hakbang na ito sa pamumuno ni Mayor Poncio ay mahikayat ang publiko at mga nasa priority list na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa datos ng RHU Mahatao 100% na naibibigay ang mga bakunang nakalaan sa kanila dahil wala namang naitatalang deferall o refusal sa mga target beneficiaries.