Magsasaka Partylist sa PCC: Imbestigahan ang umano’y rice cartels

Nanawagan si Magsasaka Partylist Representative Argel Cabatbat sa Philippine Competition Commission (PCC) na magsagawa na ng sarili nitong imbestigasyon hinggil sa naglipana na rice cartels.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Cabatbat, sa 2017 SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte, ay nabanggit na nito ang pagkakaroon ng rice cartel sa bansa pero tila wala namang naging tugon dito.

Aniya, may kapangyarihan ang PCC na magsagawa ng motu proprio investigation kahit walang naghahain ng reklamo.

Nais rin patingnan ni Cabatbat ang posibleng smuggling ng imported na bigas sa pamamagitan ng under declaration.

Naghain na ang kinatawan ng isang resolusyon para sa imbestigasyon sa pananamantala ng rice cartel sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.