Magpipiyansa lang si Trillanes – PNP Spokesperson

Magpipiyansa lang si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson CSupt Benigno Durana matapos maglabas ng arrest warrant ang Makati RTC Branch 150 para sa kasong rebelyon na kinakaharap ng Senador.

Paliwanag ni Durana, kahit na sinong alagad ng batas ay pwedeng magsilbi ng arrest warrant at ang Korte na ang bahala na magdesisyon saan ibu-book at idi-ditine ang subject ng warrant.

Sa inilabas na kautusan ni Judge Elmo M. Alameda ng Makati RTC, P200,000 ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Trillanes.

Ayon kay Durana, malamang ay magbabayad lang ng piyansa ang abogado ni Trillanes para hindi ito makulong. | ulat ni Leo Sarne