Madedesisyunan ng Kongreso sa loob lang ng isang araw ang posibleng Martial Law extension

Kayang pagpasiyahan ng Kongreso sa loob ng maikling panahon kung ibibigay nito ang “Go o Not go” para sa Martial law extension.

Ito’y sakaling humirit ang punong ehekutibo ng pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isang araw lang naman ang itatagal ng deliberasyon sa Kongreso kung humiling ng bagong extension ang Pangulo.

Ang kailangan lang naman ani Panelo na gawin ng Presidente, ay magbigay ng abiso sa dalawang kapulungan at mula doon ay maaari nang masimulan ang deliberasyon.

Gayunpaman, sa ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang Palasyo kung hihirit o hindi ang Pangulo ng panibagong extension, gayung naka-recess na ang Kongreso sa darating na Disyembre 12. | ulat ni Alvin Baltazar