Mabuhay anti-criminality operation ng Pasay Police sa nakalipas na magdamag umabot sa mahigit 200 ang naaresto

Umaabot sa 269 na mga indibidwal ang naaresto sa isinagawang anti-criminality at paglabag sa mga city ordinance sa buong magdamag ng Southern Police District (SPD).

Sinimulan ang operation sa mga police personnel ng Pasay, Paranaque, Las Piñas, Muntinlupa, Makati, Taguig, Patersos, dakong alas-singko ng hapon.

Lumalabas sa isinagawang operasyon na mas marami pa rin ang mga nahuhuling menor de edad na lumalabag sa curfew, sinusundan ito ng paglabag sa ordinansang smoking in public, at ang panghuli at ang pag-iinom sa kalye.

Dinala ang lahat ng mga inaresto sa kani-kanilang mga presinto para berepikahin.