Maayos na pamamalakad ng Kamara, ipagpapatuloy, pagbubutihin pa sa pagbabalik sesyon nito

Tiniyak ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na pananatilihin nila ang maayos na performance sa Mababang Kapulungan kasunod ng mataas na approval at trust ratings ni Speaker Alan Peter Cayetano sa latest Pulse Asia Survey.

Ayon kay Velasco, isu-sustain nila ang magandang performance ng Kamara na tiyak namang tuloy-tuloy na magugustuhan ng publiko.

Isa aniya sa mga key accomplishment ng Kamara ay ang maagang pag-apruba sa 2020 National Budget sa itinakdang deadline gayundin ang mga priority measures ni Pangulong Duterte partikular na sa mga panukalang makakapag-pagaan sa buhay ng mga Pilipino.

Naniniwala si Velasco na susi dito ang epektibong pakikipag-communicate ni Cayetano sa taumbayan para maihatid ang mga accomplishments at tungkulin ng Kamara na siyang resulta ng mataas na ratings.