Maayos na pagtugon sa COVID-19 pandemic, makakatulong para gumandang muli ang credit outlook ng bansa — Sen. Gordon

Iginiit ni Senador Richard Gordon na upang mabaligtad ang negative outlook sa investment rating ng Pilipinas, dapat na maayos na tugunan ng bansa ang COVID-19 pandemic. 

Kabilang sa mga pinunto ni Gordon na dapat gawin ng pamahalaan ay ang maayos na pagpapatupad ng mga health protocol, pagpapabilis ng COVID19 testing, tracing, at vaccine rollout. 

Giit ng senador, dapat munang mapigilan ang pandemya para mapagandang muli ang risk rating at economic outlook sa bansa. 

Nitong Lunes, inanunsyo ng Fitch Ratings na napanatili ng Pilipinas ang credit rating nito sa “BBB” pero bumaba naman sa ‘negative’ mula sa ‘stable’ ang credit outlook ng bansa. 

Ito aniya ay bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic na nakaapekto sa policy making, at economic at fiscal out-turns ng Pilipinas.