Maayos na pag-aresto kay Senator Trillanes, tiniyak ni PNP Chief

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na magiging maayos ang proseso ng pag-aresto kay Senator Trillanes sa oras na magpalabas na ng arrest warrant ang Makati RTC.

Ayon sa PNP Chief, gagawin din nila ang sistemang kanilang ipinatupad sa unang pag-aresto sa Senador kung saan nakipag-ugnayan muna sila sa liderato ng Senado.

Ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Makati Police aniya ang magpapatupad ng arrest order, pero ang korte na ang magdedesisyon kung saan ipipiit ang Senador.

Sinabi ni Albayalde, na kung non-bailable ang kaso, ay maaaring sa Camp Aguinaldo o sa Camp Crame ikulong si Sen. Trillanes.

Posible rin aniyang sa Camp Crame gawin ang booking procedure dahil sa isyu ng seguridad. | ulat ni Leo Sarne