Lusot na sa Senado ang isang panukalang batas na magpapahintulot sa mga consumer na panatilihin ang kanilang cellphone numbers ng habambuhay

Pinatibay ng Senado sa ikatlo at panghuling pagbasa ang isang panukalang batas na magpapahintulot sa mga consumer na panatilihin ang kanilang cellphone numbers ng habambuhay kahit na sila’y magpapalit ng service provider o subscription plan.

Ang Senate Bill No. 1636, o ang panukalang “Lifetime Cellphone Number Act,” ay inakdaan ni Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, at naipasa sa pamamagitan ng dalawampung boto, walang negative vote at walang abstention.

Sinabi ni Gatchalian na itinatadhana sa panukalang hakbangin ang pag-obliga sa mga public telecommunications company sa Pilipinas na magkaloob sa mga consumer ng “mobile number portability (MNP),” o ang karapatan na mapanatili ang kanilang ginagamit na cellphone number ng habambuhay, kahit na sila’y magpapalit ng service provider o subscription plan mula post paid tungo sa prepaid.

Sa panukala, ang mga telcos na hindi tatalima sa tadhanain ng batas ay mahaharap sa kaukulang pagpaparusa kabilang ang pagmumulta ng hanggang isang milyong piso at posibleng pagkansela ng prangkisa. | via Jojo Ismael