Lungsod ng Legazpi tinanghal na Most Business Friendly City sa bansa

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang naghandog  kay Mayor Noel Rosal ng plake ng parangal sa Lungsod ng Legazpi, bilang Most Business Friendly City Level 2 sa bansa ngayon.

Ang Pangulo, ang siyang panauhing pandangal at tagapagsalita sa okasyon, ginawa  ito  sa Fiesta Pavilion Ballroom, Manila Hotel.

Nakatunggali ng Legazpi ang ibang mga pangunahing lungsod sa bansa sa nabanggit na titulo o pagkilala.

Sinabi ni Mayor Noel Rosal, ang aktibidad ay taunang pinangangasiwaan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry katulong ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, gaya ng Department of Trade and Industry.

Tinuran ng Punong Lungsod na panahon na ng pag-ani ng Legazpi sa mga trabaho at pagsisikap nito.

Ang pumasok na puhunan sa lungsod ay mahigit na sa P30 bilyong piso, asam ng opisyal na madoble ito sa mga susunod na taon.  | ulat ni Nancy Madiavillo