Lumulutang na Tambalang Go- Duterte, depende pa din sa magiging pasiya ni Pangulong Duterte

Pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay kung mabubuo ang Goterte para sa eleksiyon 2022.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, matagal nang itinutulak ng Pangulo si Senador Bong Go na tumakbo sa pagka- Presidente.

Pero ang kondisyon ni Senador Go ayon kay Roque, kailangang tumakbo sa pagka ikalawang Pangulo ang Presidente para siya’y sumabak sa Presidential race.

Kaya ngayong may nominasyon na ayon kay Roque,  ang kailangan na lang gawin ay hintayin ang pasiya ng Presidente.

Magkaka-alaman na lang talaga sabi ni Roque pagdating ng Oktubre dahil iyon aniya ang panahon na ang mga nababanggit na pangalan ay kailangang magdesisyon kung tatakbo sa susunod na taong eleksiyon.