LTO officials na sangkot sa pangongotong ng mga trucker sa Nueva Vizcaya, sinibak sa pwesto ni DOTr Secretary Tugade

Tinanggal na sa pwesto ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang lahat ng opisyal at tauhan ng Land Transportation Office o LTO sa Bayombong District Office at Aritao Extension office kasunod na rin ng sumbong ng pangingikil laban sa mga ito.

Ito ay matapos makarating sa Pangulo nitong Huwebes ng gabi ang sumbong ng mga rice traders at truckers na kinikikilan sila ng mga LTO employees sa lugar.

Base sa sumbong, kumikita ng nasa isang milyong piso kada araw ang mga tauhan ng LTO sa lugar mula sa libo libong truckers na nagbabiyahe ng mg agricultural products mula Cagayan Valley at ang modus na ito ay higit dekada na umanong tumatakbo.

Naibigay sa mga LTO official na sangkot sa isyu ang Relieve Order nito pang Biyernes.

Ipinag-utos na rin ni LTO Regional Director Romeo Sales ang cancellation ng deputation orders at temporary operator’s permit o TOPs ng DPWG personnel na naka-assign sa Weigh Bridge sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay mayroon nang itinalagang mga bagong LTO officials at employees na pansamantalang magte-take over sa LTO Bayombong District Iffice at Aritao extension Office para hindi maabala ang mga transaksyon ng gobyerno. | via Nimfa Mar Asuncion