LTFRB, pinasinungalingan ang ulat na di nababayaran ang mga bus operator sa EDSA Busway

Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ulat na hindi nababayaran ang mga operator at driver ng EDSA Busway sa ilalim ng Service Contracting Program at Direct Cash Subsidy.

Sa tala ng LTFRB ngayong araw, nasa ₱156.694-million pesos na ang halaga ng weekly payout at one-time incentive ang naipamahagi ng ahensya sa mga bus driver.

Mula sa kabuuang ibinayad, nasa ₱140.4-milyong piso ang naibayad sa mga bus drivers, o 89.64% ng kabuuang weekly payouts.

Bukod dito, nabibigyan din sila ng weekly payout ng Mega Manila Consortium Corporation sa ilalim ng kanilang consortium.

Hindi rin totoo na ang Mega Manila Consortium lamang ang nababayaran ng LTFRB dahil kabilang din ang mga bus companies ang nabigyan ng insentibo.

Paglilinaw pa ng LTFRB na simula nang ilunsad ang Direct Cash Subsidy Program noong Nobyembre 2020, nasa higit Php1Million halaga ng subsidiya ang naipamahagi sa 90,318 PUV operators na
kumakatawan sa 96.65% na disbursement rate para sa programa.