LTFRB, mag-iisyu ng special permit sa mga bus para sa ruta ng LRT2

Ang hakbang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay para makatulong sa mga commuter mula ng suspendihin ang operasyon ng LRT 2 mula ng masunog ang bahagi nito sa Quezon City.

Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra III, simula ngayong araw, bukas ang tanggapan ng LTFRB para tumanggap ng aplikasyon para sa special permit na tatagal hanggang bukas, araw ng Linggo.

Ang special permits para sa mga bus ay tatagal hanggang anim na buwan o kapag ganap nang naibalik sa normal ang operasyon ang LRT2 .

Hindi ito katulad sa permit na inisyu noong tigil pasada na isang araw lamang.

Pero paglilinaw ng LTFRB, ang mga permit na ipagkakaloob sa mga bus ay para lamang makabiyahe tuwing araw ng Sabado at Linggo.