LRT at MRT, suspendido muna ang operasyon matapos isailalim sa signal number 4 ang Metro Manila

Suspendido na ang operasyon ng LRT lines 1 at 2 maging ang MRT-3 matapos isailalim sa signal number 4 ang Metro Manila.

Sa abiso ng Department of Transportation, effective immediately ang suspensyon sa operasyon ng linya ng naturang mga tren dahil na rin sa banta ng pananalasa ng bayong Rolly.

Ang mga pasahero at empleyado na nakasakay na ng tren o kaya’y nasa mga istasyon na ay ihahatid naman muna sa kanilang destinasyon bago tuluyang itigil ang biyahe ng mga tren.

Suspended din until further notice ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR).

Ang MSC 1008 na biyahe mula tutuban ay aalis ng 10:06 AM ay nagsilbing sweeper train para maihatid ang lahat ng natitirang mga pasahero at personnel.