Lorenzana sa kasunduan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea: Tiwala lang

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinagtitiwalaan niya ang China na tutupad sa mga pag-uusap hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon sa kalihim, bilang isang regional power walang dahilan para pagdudahan ang salita ng China.

Ayon sa kalihim, sa nakalipas na pagbisita ng Pangulong Duterte sa China, nagkasundo ang Pilipinas at China na maging “civil” sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa sa usapin sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ng kalihim, na ang relasyon ng Pilipnas at China ay hindi lang nakasentro sa pag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Mas marami aniyang usapin kung saan maaring kapwa magbenepisyo ang dalawang bansa tulad ng kalakalan at turismo.

Sa ngayon aniya ay nasimulan na ang mga inisyal na hakbang para sa joint development ng likas na yaman sa West Philippine Sea, at kailangan lang magtiwala sa China, pero kailangan ding mag-ingat.