Lokal na pamahalaan ng Q.C, nagpamigay ng libreng school supplies

Bago ang muling pagbubukas ng klase, sinimulan na ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pamimigay ng libreng School supplies sa mga mahihirap na batang mag-aaral na kanyang ginagawa taon-taon.

Aabot sa 15,000 batang mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3 ang mabibiyayaan ng programang ito ni Belmonte ngayong School Year 2018-2019.

Ayon kay Belmonte ang bawat trolley bag na pinamimigay ay may lamang limang notebook, pad paper, lapis, ballpen, ruler, crayons, eraser, at sharpener.

Kasama ni Belmonte si 3rd District Councilor Gian Carlo Sotto at mga opisyal ng Barangay Masagana sa proyekto. | Ulat ni Rey Ferrer