Loisa Andalio, wagi sa Nickelodeon Kids’ Awards; Psy may concert sa North Korea kasama ang iba pang South Korean Pop stars

Binuhusan ng green slime ang young actress na si Loisa Andalio kasunod ng paggawad sa kaniya ng parangal ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Ito’y matapos niyang tanggapin ang Favorite Pinoy Newbie trophy at talunin ang iba pang nominado gaya nina Joshua Garcia, IƱigo Pascual at Gabbi Garcia.

Nagpasalamat naman si Loisa sa nakuhang award na bukod sa kauna-unahan ay pang-international pa.

Sa ibang balita, kabilang ang sikat na singer at internet sensation na si Psy sa mga nakatakdang mag-perform sa gaganaping concerts sa Pyongyang, North Korea sa susunod na linggo.

Tanda ito ng bumubuting relasyon sa pagitan ng South Korea at North Korea matapos ang ilang dekadang hindi pagkakasundo.

Bukod sa “Gangnam” singer, walong iba pang South Korean pop stars ang magiging bahagi ng show. | via Eunice Garcia-Langcauon