Local financial institutions sa bansa, nakabantay sa banta ng cyber attack

Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga local financial institutions matapos ang nangyaring cyber attack sa Malaysian Central Bank.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, inalerto nila ang mga bangko at iba pang financial institution, dahil sa tangkang pagnanakaw ng pera sa Bank Negara Malaysia (BNM) sa pmamamagitan ng fraudulent wire transfer.

Sa kabila nito ay nilinaw naman ng opisyal na wala naman umanong nawalang pera sa nasabing bangko pero minabuti nilang alertuhin ang mga financial institution sa bansa, dahil madalas aniyang umatake ang mga hackers tuwing may long weekend.

Hindi naman inilabas ng Bank Negara ang impormasyon kung sino ang nasa likod ng nasabing cyber attack.

Nilinaw din ng bangko na walang operasyon ng bangko ang naantala dahil sa naturang insidente. | via Lorenz Tanjoco